About Me

Kmusta sa inyong lhat! Sa mga ngttaka kung cno b tong Romar na to at nagssabi s sarili na “ba’t ako mag-aaksaya ng oras n basahin ang blog nya e ampangit nmn?” e good news, narinig ko ang inyong mga reklamo kaya eto, nagPost ako ng MAIKSING kwento na tungkol sakin.
As you all know by now ako po c Romar. May pagkamahiyain kung minsan pero mas madalas e happy go lucky at may sayad. Mahilig ako magbasa ng kung ano-ano. Walang syota at lalong walang asawa (ung iba kc dyan may asawa n nga, may syota pa!). Bunso sa apat n magkkapatid (3 lalaki at 1 babae) at lumaki sa isang simpleng pamilya. More than 30 years n kaming nakatira d2 s isang nakakatuwang looban sa Project 8, Q.C.
As a child nasanay ako na laging mag-isa sa maraming dahilan; una, wala akong kaedad s looban nmin n pwede ko makalaro; ikalawa, marami akong kaedad s labas ng looban naming pero ayw ng nanay ko na mikihalubilo ako sa kanila kc ang karamihan sa kanila e habulin ng langaw. E kc nmn, kuntodo-gusgusin, may tumutulo sa tenga nung iba, may kablo kc madami sugat sa ulo, at ung mga may buhok madami nmng kuto! Kumukulo ang dugo ng nanay ko kapg nalamn nya na galing ako sa labas (ng looban). Ikatlo, ung dalawa kong kuya e magkavibes at may sariling mundo kaya most of the time e sila ng magkasama at parang laging may sikreto. Ang ate ko nmn e puro bahay-bahayan ang alm, isama mo na ang piko, Chinese garter at jackstone (ayun! Natuto tuloy ako!). naaalala ko pa ang galit ng ate ko kapag nakikita nya na hawak ko sa buhok ang manika nya at susuntukin ko ng malakas pra tumalsik sa malayo. Ako yata ung nakacra sa Barbie nya kc lagi ko kinakalas ung mga paa’t kamay tapos e bubuuin ko uli. Ikaapat, nagtatrabaho pa noon sa CHED (Commission on Higher EDucation) ung tatay ko at magaling cya magsmuggle ng mga children’s book at sandamakmak ng bond paper sa bahay. Dahil d2 naging interisado ako magbasa ng libro. Naalala ko pa nung cnubukan ko basahin ung isa sa mga dala ng tatay ko, di pa ko marunong magbasa nun at di ko maintindihan bakit sa isang page ay may litrato ng isang butiki at sa kabila nmn e isang bolang may kakaibang kulay. Nsanay kc ako s mga book ng fairy tales wherein related ang pictures sa flow ng story. Later on nung nsa grade school nako e nbasa ko ulit ung same book, ung butiki pla sa picture ay smallest member sa mga salamander at ung bolang may kulay ay planet Saturn, science book pala cya at the idea is to provide info about the small and very large objects.
Di rin naging madali ang buhay eskwela kc mahiyain ako. May time na umiyak ako nung kinder kc di ko nakita ung nanay ko sa gilid ng classroom, nsa labas lng pala at nakikipagtsimisan. Umiyak din ako nung sabihin ng titser ko na mali daw ung drawing ko ng isda. Ang gusto ng titser ko e parang number 8 n nakahiga, e ung sakin kc parang bala ng baril na may palikpik. Sabi ng titser ko, di daw pede umuwi kapag di pa tapos. E ako na lng ung natira sa klase, ung kaptid ko n sundo ko e naiinis na kc antagal ko dw. Anong magagawa ko e di ko nga kaya ung ganun? IYAK NA KO! Ayun naawa ung titser ko at tinanggap nya un drawing ko sa papel na mga isda, pero dapat dw magpraktis ako sa bahay. Syempre natuwa ako kaya punas agad ko ng luha.
Madalas din ako tuksuhin ng mga kaklase ko napayatot. Well, totoo nmn at wala nmn yatang tao d2 sa mundo ang di naranasang matukso ng kaklase nya sa eskwela. Pero marami din nmng magandang bagay sa school, andyan ung barkada. Nung kinder ako may dalawa akong naging kaibigan n lagi ko kasabay umuwi kapag wala akong sundo. Madami din akong naging kaibigan sa grade school pero wala akong bestfriend. Di ko alm kung bakit pero parang iba kc takbo ng utak ko. Madaming pagkakataon n nagtataka at nassabi ko sa sarili ko na “bakit ganun??” ang isang example na naaalala ko e nung grade 4 ako (grade 4 at 5 lng ako nging section2 , ung iba section1 ) at may pinabasa ung titser naming n kwento sa libro. After ng kwento ay pinasagutan nya samin sa papel ung mga tanong sa libro about sa story. Ang ginawa ng mga kaklase ko (as in 99 percent) ay hinanap nila ung sagot (as in ung sentence talaga) s libro n parang binasa ulit nila ung story. Nagtaka ako syempre kaya tinanong ko cla “bakit nyo sinisilip ung sagot sa kabilang page?” alm m ang sagot nila? Simple, “Bakit? Sinabi ba ni ma’am n bawal tignan?” Oo nga nmn! Pero anong sense at binasa pa ung kwento kanina? Dun ko unang nakita kung ano b talaga ang mga tao sa totoong mundo. Kapag section 1 kc ang madalas kaklase ko e disiplinado at matatalino. Pero d2 sa section 2 e ibang-iba na! totoong tao cla, hindi ung nagpp-impress sa titser although meron talagang mga sipsip (kahit saan nmn yata meron).
Pagdating ko sa high school sabi ng nanay ko ang high school daw ang pinakamasayang parte ng buhay estudyante. Di ako naniwala nun kc para sakin pareho lng nmn cguro un kc mula grade school hanggang college e aral nmn ang ggwin mo. Pero ngaun nniniwala na ko. Masaya pala talaga ang buhay highschool kung titignan ko compared s college at grade school. Andyan ang sankaterbang magagandang bbae(pantasya to the MAX!), barkada (jamming tuwing may oras), mag cutting classes (akyatin ang pader kc bawal lumabas ng campus), magkopyahan (gumawa ng kodigo para sa lahat), bigyan ng kung ano-anong alyas ang mga titser nyo (Sir PONG pagong at Sir KIKO matsing, Mrs. MuscovyDuck, Principal n may AIDS kc tuwing dadaan cya e humahawi ang mga students….etc). Walang araw na di ako humagalpak ng tawa sa school.
Sa college nmn e medyo dull ang buhay ko compared s high school. Dahil n rin cguro mas mature n at mas kailangan nang magseryoso. Computer science ang pnili ko kc naiintriga talaga ako sa mga computer lalo n nung high shool ako. Un early part ng college e parang extension lng ng high shool. May barkada, magkakasundo kau n di kau ppasok at gagala n lng s mall, etc. Pero later on medyo nagtino n ko lalo n nung gagawa na ng thesis. Unang-una wala kaming idea kung ano b ang thesis? Ano laman nun? Pano b uumpisahan to at ano b talaga ang dapat kahinantnan? Para sakin un ung pinakamahirap n part kc nangangapa ka sa dilim. Nung matapos ang thesis at success ang defense naming sa panel, nun ko lng nrealize n di cya ganun kahirap kc alm ko n ngaun ung flow (ang tinutukoy ko n madali ay ung steps o process sa paggawa ng thesis at hindi ung thesis mismo, nakakabaliw kaya magprogram!).
Right after college ko e nagtrabaho agad ako sa internet café ng pinsan ko. Bagong-tayo lng ung café nun at dalawa p lng kaming employee with 8 computers at isang server pc (eventually naging 24 comp). Akala ko nun madali lng trabaho ko, kapag may gustong mag-rent…ok ..upo kau d2 sir/ma’am….kapag time n cya…sir/ma’am time na po….kunin bayad…..ok na! WRONG! Di pala ganun un. Kapag bata na ang nakaupo, ang hirap patayuin! Andyan ung kulang bayad kc nahulog dw ung pera nya sa sahig, magpapaturo magEmail kc walng alm c lolo, Nagloko bigla ung PC at nagrereklamo n ung customer, may makulit na kanina pa nagtatanong kung anong oras may mabbakanteng pc e andaming nag-aantay n nauna pa sa kanya, aaarrrggghhh!!! Dun ako natutong magmultiTask, ngppaturo din ako sa katrabaho ko kc CompTechnician cya at madami cyang alm sa Hardware ng pc. Ako kc software ang kabisado ko. Natuto ako magtroubleshoot ng pc. Natuto din ako magsetup ng sari-saring games, firewalls, routers, switches, ports. At syempre ang pinaka maganda e libreng mgInternet at maglaro anytime! At para maging maganda ang flow ng customers e dapat meron ka lagi isasagot sa mga tanong nila. Kung gamer ang customer dapat madami kang alam sa mga games (cheats, setup, quest, story line, characters), kung student na gagawa ng project or assignment dapat madami kang alm n website depende sa subject ng project nya (di nmn lahat e makikita mo s Wikipedia), kung mga bata na maglalaro lng e mas maganda kung sasali ka sa laro nila. For sure, babalik cla at magdadala pa ng kaibigan!
Nothing last forever ika nga nila, since first business venture ng pinsan ko un internet café, at ako first time ko din magwork, nagkaroon ng financial problems ung café. Actually, most of the time breakeven lng ang kita ng shop di lng pinapahalata ng pinsan ko pero nkikita ko nmn sa sales report. Ang nangyari ay ipinaubaya n lng n pinsan ko ung café sa step-father nya. May 8 employees n nun ang shop at ministore, lugi un ministore kaya pinasara n lng habang s shop nmn e ako lng ang natirang employee dahil n rin cguro ako lng ang kamag-anak n pwede pagkatiwalaan. Ang ginawa namin ng father ko e nagHire kami ng makakatulong ko sa shop kc di pwedeng mag-isa lng ako. At the same time ako n ung tumayong OIC kc laging nsa abroad un bagong may-ari ng shop (which is ung uncle ko). Ako nagtrain nung 2 bagong employees, magformat, magtroubleshoot, mag-install ng mga program, pano gamitin ung cybercafé program, mgprint/scan, binigyan ko din cla ng tips sa mga manloloko (naloko n kc ako minsan ng halagang 500.00 huhuhuhu! L). In between all of this e nag-umpisa na akong magApply online as an IT Staff or Call Center Agent. Di ako nttanggap as IT Staff primarily kc wala akong experience pagdating sa large-scale implementation ng iba-ibang network configurations, gaya ng email servers, file servers, database management, etc. Buti n lng e nattanggap ako as a Customer Service Agent. Oras na para magpaalam sa internet café n halos 5 years ding nagpasweldo sakin.
Excited ako nung matanggap ako sa call center, sabi ko sa sarili ko sa wakas! Totoong trabaho! D2 kelangan mas seryoso sa work di gaya sa internet café, most of the time e paEasy-easy lng. Before ako formally natanggap ay nilagay muna nila ako sa LPET (Language Pre-Employment Training). Sa training e nagEnjoy ako talaga at nasabi ko sa sarili ko, masaya pala talaga magturo, minsan n kc ako tinanong ng tatay ko kung gusto kong magturo sa college kc may mga kakilala p cya sa CHED n pwedeng tumulong sakin. Naisip ko din na kung pagbubutihn ko d2 sa call center na to e bka maging LanguageTrainor din ako. Bahala na. After 3 weeks of training e pumirma n ko ng kontrata. Yay! Pero ilang linggo p lng e ngkandaloko na ang buhay call center ko. Kasama ang ilang new hires ay sinabihan kami na mapupunta kami sa SALES Dept. ng isang VOIP service. My impression was “WHAT THE HECK!!” “This is not what I signed up for.” Kinabahan ako bigla, kc alam n alm ko n ako ung type ng person na di namimilit, di ko hilig mangumbinsi ng tao. Naniniwala kc ako n malaya tayo ng gawin ang gusto natin as long as wala kang naAargabyado. Kung gusto mong ipamigay pera mo sa mundo e bahala ka, basta bayaan mo ko gawin gusto ko sa pera ko. “Naku lagot” sabi ko sa sarili ko, e kesa mawalan ng trabaho, tinanggap ko na. Konting training tungkol sa product at iniAssign na kami sa iba’t-ibang team kung saan sinabak n kami sa telepono. Okay nmn ung first day ko sa telepono, ung 2 customer n nakausap ko e parehas nmn bumili. As time moves on e madami n kong natutunan n style kung pano mngumbinsi ng customer. At the same time madami din akong nakitang mga bagay na sa opinion ko e di nmn dapat ginagawa. May nabbalitaan kami n may agent na niloko ung customer para lang bumili. Ung iba dinoble or triple ung binili ng customer nila. di ko alm kung bakit nila ginawa un pero from my point of view, malamang ang reason nila ay para di mapagalitan ng supervisors nila. kc ako from the start e di ako masyado nakakabenta ng product at dahil dun madalas e kinanausap at napapagalitan ako ng supervisor ko. Most of the time kc e sinasagot ko deretsahan un tanong ng customer, nagAautomatic ung style ko dati sa internet café, ayun nagiging kwentuhan tuloy ang tema at ang result, walang benta! Kung tatanungin nyo nmn ako kung puro n lng b sermon ang inaabot ko sa work e di nmn. Masaya ang naging experience ko kung ang titignan ay ung working environment. Cool at madaling pakisamahan ang mga workmates ko. May sayad din mga tao dun, di nga lng kasing lala nung sakin. At dahil s di nga ako masyado nakakabenta e may mga pagkakataon n kung ano-ano n lng ang sinasabi ko s customer pra lng bumili cla. Minsan nga e di ko nasabihan ung customer ko tungkol sa legal part ng pagbili ng product nmin. At ang masama, nagkataon na un yung naEvaluate ng Q.A. team (Quality Assurance). Trabaho nila na siguruhing walang agent ang manloloko ng customer. Patay! Dahil dun nakakuha ako ng level3 infraction at isama mo pa ung isa pang level3 kung saan 2 kaming ngClaim sa iisang sale(at syempre ako ang may kasalanan dun aaminin ko). Napagpasyahan ng company n kelangan nila iterminate knotrata ko para na rin sa ikabubuti ng lahat. Ok lng nmn sakin, kahit papano e may pagkakataon na ko n magApply ulit sa ibang company at sana e customer care n talaga ang mapasukan ko. Kaso nung binalita ko sa tatay ko n natanggal ako sa work e ang sabi nya magpahinga muna daw ako sa bahay. Npansin nya cguro na medyo hirap ako sa pagpasok ng gabi o madaling araw. Nagsuggest ang tatay ko na magnegosyo n lng kami kaso di nya alm kung ano maganda. Sabi ko Eload kc maliit lng capital nun o di kaya buy&sell. At the same time tumitingin din ako online kung pano kumita at nabasa ko n pwede kumita sa pagBBlog which brings us right here, right now!
Ayan! Maiksi lng yung kwento ko diba? Sana di kau bore masyado sa kwento ko. Bahala na kau kung maniniwala kau o hindi. Thank you sa oras na ginugol nyo na basahin tong blog ko at syempre sana e kumita ako ng pera d2 kc nauubos na ipon ko! Bwahahahahaha! Thanks ulit at sana dalasan nyo ang pagbisita d2 sa blog ko.

6 Comments

  1. thanks men… my smart bro is magastos..hahahaaa.. hindi mag gana yong smart bro free surfing… pls send me thru email how to get free internet connection using smart bro.. maraming salamat..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s